Palalawakin pa ng Department of Agriculture ang Kadiwa ng Pangulo Centers sa buong bansa ngayong taon at bago matapos ang 2028.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, plano ng pamahalaan na maitaas pa sa pitundaan ang bilang ng Kadiwa Ng Pangulo Centers pagsapit ng Marso.
Sa ngayon anya nasa mahigit 1,000 na ang Kadiwa sites ang gumagana o nagbebenta ng mas murang halaga ng bigas.
Idinagdag pa ng opisyal, sapat ang supply ng nutri at sulit rice o iyong mga mas murang bigas na magiging available na rin sa kadiwa centers ngayong Enero.
Tiniyak naman ng food terminal incorporated na sapat at marami ang suplay ng naturang produkto. – Sa panulat ni John Riz Calata