Magpapatuloy ang “Kadiwa ng Pasko” program sa buong bansa kahit natapos na ang Christmas season.
Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior kasabay ng pagbisita nito sa Kadiwa stall sa Valenzuela City.
Pagbibigay-diin ni Pangulong Marcos, malaki ang nagiging tulong ng proyekto sa mga Pilipino para sa pagkakaroon ng access sa mas murang mga produkto.
Matatandaang una rito, ilang magsasaka na nagbebenta ng kanilang ani sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pasko ng Department of Agriculture ay humiling ng extension ng programa pagkatapos ng Disyembre trenta-uno ngayong taon.