Operational na sa mahigit 350 locations ang Kadiwa ng Pasko Caravan.
Ipinabatid ito mismo ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr., na nagsabi ring itutuloy-tuloy ang pagpapalawig ng Kadiwa ng Pasko Caravan sa buong bansa.
Tiwala naman ang Pangulong Marcos na maayos pa ring makakapagdiwang ng Pasko ang mga Pilipino sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng mga ito.