Hindi pang matagalang solusyon ang Kadiwa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga sibuyas at iba pang pananim.
Ito ang inihayag ni Sen. Imee Marcos matapos personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang ilang tindahan ng Kadiwa sa bansa.
Ayon kay Sen. Imee, hindi ito long-term solution sa halip dapat ang sistema ng pagsasaka at pamamahagi ng mga kalakal ang kailangang baguhin.
Nabatid na ang mga ibinebenta sa Kadiwa Store ay mula sa mga lalawigan ng Ilocos Norte at Pangasinan na maagang naani at binebenta sa palengke sa mas abot-kayang presyo.
Samatala, una nang sinabi ng Department of Agriculture na nakikipag-ugnayan na sila sa mga pamilihan para sa mas mababang presyo ng mga bilihin. —sa panulat ni Jenn Patrolla