Mas palalakasin ng Department of agriculture (DA) ang MASAGANA 99 o ‘’Kadiwa’’ program ng pamahalaan.
Ayon kay DA Undersecretary Kristine Evangelista, layunin ng kanilang ahensya na magkaroon ng alternatibong produksiyon ng mga gulay na pagkukuhanan ng mga magsasaka na siya namang pakikinabangan ng mga consumer.
Aminado si Evangelista, na hirap ang kanilang ahensya na rendahan ang mataas na presyo ng mga gulay hindi gaya ng ibang produkto sa mga pamilihan dahil sa epektong idinulot ng bagyong Karding.
Ito rin umano ang dahilan, kung bakit hindi makapagpatupad ng Suggested Retail Price (SRP) ang kanilang ahensya.
Sinabi pa ni Evangelista, na nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga Local Government Units (LGUs) at mga market master o ang namamahala sa production service upang ibahagi ang tamang presyuhan sa mga gulay para maprotektahan ang kanilang mga consumer.