Pinag-iisipan na rin ng Department of Agriculture na ibenta sa mga supermarket at convenience store sa metro manila ang bigas na ibinebenta sa mga Kadiwa store.
Ito ay matapos ang pulong ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga pangunahing supermarket chains sa National Capital Region.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesman Arnel De Mesa, pumayag na ang mga ito na magbenta ng kadiwa rice sa kanilang mga establisyemento at posibleng sa kaparehong presyo rin.
Pinaplantsa pa aniya ang mga detalye para sa rollout ng bentahan sa mga supermarket, kabilang na ang target timeline para sa implementasyon nito.
Bukod sa mahigit dalawampung KNP centers at kiosks sa mga pampublikong pamilihan, at piling LRT at MRT stations, nakipag-ugnayan na rin ang D.A. sa mga Alkalde ng Metro Manila para sa pagpapalawig ng inisyatiba sa 150 pang pampubliko at pribadong palengke sa NCR. – Sa panualt ni Laica Cuevas