Mananatiling bukas hanggang sa bisperas ng bagong taon ang mga kadiwa ng pasko store sa ilang lugar sa Metro Manila.
Batay sa inilabas na schedule ng Agribusiness and Marketing Assistance Service, bukas hanggang December 31 ang mga Kadiwa Store sa Quezon City, Pasig City, at Mandaluyong City.
Bukas din hanggang sa nabanggit na petsa, ang mga Kadiwa stall sa San Joaquin, Pasig City at Farmers Collective sa The Podium area sa mandaluyong city.
Layunin nitong matulungan ang mga Pilipino na maihatid ang mura at abot kayang halaga ng mga pangunahing bilihin na 50% mas mababa kumpara sa mga pamilihan.