Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations na buwagin na ang “Kafala System”.
Ang Kafala System ay sistema sa Middle East kung saan pinapayagan ang mga employer na kontrolin ang employment at migration status ng kanilang mga dayuhang empleyado na kadalasan ay humahantong sa pang-aabuso.
Sa United Nations General Assembly, sinabi ng Pangulo na maraming filipino na nagtatrabaho sa ibayong dagat ang nakararanas ng hindi makataong pagtrato.
Isa aniya rito ay sa ilalim ng Kafala System na tila isang malaking kadena na kumokontrol sa mga mahihina.