Kinilala ng Absolute Pure Distilled Drinking Water ang kagalingan at kagandahan ng mga ina kaugnay sa pagdiriwang ng Mother’s Day.
Sa pamamagitan ng mother’s love, Absolute Pure Distilled Drinking Water event na may #alwayssafewithyourpurelove ang pagpupugay ay idinaan ng Absolute Pure Distilled Water sa iba’t ibang paraan na nakapaloob sa mahigit isang oras na masayang virtual event.
Kabilang dito ang pagbibigay ng mga tips at makabuluhang impormasyon mula kina Dr. Joanna Pamela Cuayo-Estanislao, isang general pediatrician at Dr. Maria Kathryn Ongoco Perez, isang obstetrician and gynecologist.
Ayon kay Dr. Estanislao, dapat simplehan ang pakahulugan sa supermom mentality o paradigm dahil kailangan din ng mga nanay na maging ordinaryong tao, maging sya kung ano sya at maiwasang mag aspire bilang perfect and supermom.
Binigyang diin naman ni Dr. Perez ang self-care para sa mga ina at kahalagahan ng pagkakaruon ng bukas na komunikasyon sa pamilya.
Ilan sa bahagi ng programa na sadyang in-enjoy ng mga participants ang create your own bouquet, wish in a bottle of absolute at freedom wall kung saan nag post ng inspiring messages bilang mommies ang mga nakiisa sa nasabing event.
Ang nasabing event ay dinaluhan ng team bahay mommies at mga tinaguriang mommy communities tulad ng momshies diary community, usapang nanay/usapan para kay baby at modern parenting community.
Nagsilbing host sa online event si Vanna Reyes, isang events host at mommy content creator.
Kaya sa pagdiriwang ng Mother’s Day, mothers love, Absolute Pure Distilled Drinking Water #alwayssafewithyourpurelove.