Nakaantabay na ang lahat ng equipment Cordillera Disaster Risk Reduction and Management Council (CDDMRC) na gagamitin sa pagtanggal ng mga gumuhong lupa, bato at putik sa gitna ng inaasahang paghagupit ng Bagyong Ompong.
Ayon kay CDDMRC chairman at Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Ruben Carandang, tukoy na rin nila ang landslide mga lugar na mangangailangan ng tulong tulad ng food at non-food supplies at search and rescue teams.
Mabilis aniya ang deployment ng kanilang mga road-clearing equipment na layuning tanggalin ang anumang obstructions sa loob ng tatlong oras.
Ipinosisyon na nila ang mga nasabing kagamitan sa iba’t ibang landslide-prone area sa rehiyon maging ang mga aparatong susukat sa water levels.
Tiniyak din ni Carandang na nakahanda na rin ang lahat ng kanilang personnel sa oras ng emergency katuwang ang militar at pulisya.