Nakatutok ang Department of Energy (DOE) sa mga kaganapan sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran.
Ayon kay Energy Secretary Zenaida Monsada, hindi lamang naman ang Pilipinas ang apektado kapag naapektuhan ng away ng Saudi at Iran ang suplay ng langis kundi ang halos buong mundo.
Kapag nagkataon, hindi na maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Monsada na ngayon pa lamang ay pinag-aaralan na ng gobyerno ang mga alternatibong suplay ng langis sakaling lumala ang hindi pagkakaunawaan ng Iran at Saudi Arabia.
“Ang isang tinitignan ngayon other than price is supply talaga, ano yung alternative source of supply natin kung saka-sakali man, kasi pag may nangyari sa Saudi, global talaga ang impact niyan kasi number 1 supplier ang Saudi sa oil, pero yung Saudi naman actually marami naman sila talagang ports eh, marami silang puwedeng pagkuhanan, hindi lang isang lugar, ang pinaka-delikado diyan ay yung area malapit sa Iran.” Pahayag ni Monsada.
By Len Aguirre | Ratsada Balita