Nabisto ng isang Kagawad sa Barangay Ma-A, Davao City ang drone camera na may karga ng hinihinalang ilegal na droga.
Ayon sa mga pulis, tatlong pakete na may bigat na 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa 400,000 piso ang karga ng nasabing drone malapit sa Davao City Jail noong OKtubre 18.
Ginagamit daw umano ang drone upang lihim na makapagdala ng ilegal na droga sa loob ng kulungan.
Patuloy naman na iniimbestigahan ng Bureau Of Jail Management and Penology (BJMP) ang nakitang drone habang inaalam ang nasa likod ng insidente.—sa panulat ni Airiam Sancho