Tuluyan nang naging ganap na base militar ng China ang Fiery Cross o Kagitingan Reef na bahagi ng mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon sa ulat ng China Central Television, mayroon itong runway para sa mga Chinese military war planes na may sukat na 3,125 metro.
Kayang makapagpalapag ng nasabing runway ng nasa 6,000 mga strategic bombers at mayroon din itong ospital at warning radar system.
Tinatayang nasa 200 sundalo rin ang nakahimpil sa nasabing isla at mayroon din itong malawak na telecommunication facilities.
5 PH special envoy sa China
Limang (5) special envoy ang muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang mga ito ay sina Fernando Selim Borja, Wallie Lee, Carlos Chan, Cheng Yong at William De Jesus Lima na kapwa itinalagang muli sa China noong Enero 3.
Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque na mas nais ng Punong Ehekutibo na mapalalim ang ugnayan ng Pilipinas at Tsina kaya’t limang (5) envoy ang kanyang muling itinalaga.
Magugunitang dalawang (2) beses nang bumisita sa China si Pangulong Duterte.
Ito ay upang mapalalim ang ugnayan ng dalawang (2) bansa sa kabila ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa Arbitration Court hinggil sa territorial dispute sa South China Sea.
Jaymark Dagala / Drew Nacino