Malaking bahagi ng kagubatan ng Silago, Southern Leyte ang apektado ng malaking wildfire.
Nagsanib puwersa naman ang mga tauhan ng fire station ng bayan ng Silago at katabing bayan ng Hinunangan at maging ang Barangay Volunteer Fire Brigades para maapula ang apoy.
Ayon kay Alfie Almine Cruzada, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Silago, hirap ang mga awtoridad na apulahin ang wildfire na umusbong noon pang isang linggo at kahapon lamang narespondehan ng mga bumbero.
Ipinabatid ni Cruzada na kadalasang nagkakaroon ng wildfire sa kanilang lugar sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre at pinalala ito ng sobrang init ng panahon at hanging Habagat.