Idineklara na ang tagumpay ng Syrian Army laban sa pakikipaglaban sa teroristang Islamic State.
Nabawi na ng pamahalaan ang huling bayang hawak ng teroristang grupo na hudyat nang tuluyang pagtatapos ng tatlong taong pamamayagpag ng ISIS sa naturang rehiyon.
Ayon sa Syrian Army Commander, mangilan-ngilan na lang ang natitirang fighters ng ISIS lalo marami sa mga ito ang napatay o kung di man ay tumakas na kaya’t idineklara ang pagbagsak ng ISIS.
—-