Nagkakaroon na ng kakulangan sa pagkain at gasolina sa ilang syudad sa Bolivia sa gitna ng mga kilos protesta doon.
Una nang naglarga ng kilos protesta ang mga supporter ni Bolivian President Evo Morales na nagbitiw na sa pwesto at nagtungo na sa Mexico matapos na matalo sa eleksiyon at matinding kaguluhan sa nasabing bansa.
Ayon sa ulat, nahihirapan ang interim government ng Bolivia dahil hinahadlangan ng mga protester ang daanan.
Nahihirapan din na makipagpulong ang bagong administrasyon sa oposisyon kasunod ng pamamaslang sa ilang mga supporters ng dating Pangulo.