Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsanib-pwersa na ang oposisyon at mga komunista upang guluhin ang eleksyon sa Mayo a–nwebe.
Ayon kay Pangulong Duterte, binabantayan na ng pamahalaan ang ilang grupo, kabilang ang mga “dilawan”.
Dahil dito, aminado ang pangulo na hindi niya matitiyak na magiging mapayapa ang halalan.
Gayunman, wala pang pahayag ang oposisyon hinggil sa akusasyon ng punong ehekutibo.