Muli na namang sumiklab ang kaguluhan sa Hong Kong sa bisperas ng Pasko.
Ito ay matapos magpang abot ang riot police at mga protester na nagkakasa ng serye ng flashmob rallies.
Gumamit ng pepper spray at baton ang riot police para itaboy ang mga protesters kasabay nang pag-aresto sa ilan sa mga ito sa loob ng Harbour City na isang luxury mall sa Tsim Sha Tsui, isa sa pinakamataong shopping districts sa lungsod.
Ang mga mall sa Hong Kong ay naging regular na protest venue kung kailan ang mga pag-aaklas ay nasa halos anim na buwan na para sa iginigiit na democratic freedoms at police accountability.
Nakasaad din sa online forum ang panawagan para sa mas matitinding pagkilos ngayong Pasko at sa New Year target ang shopping districts.