Sumiklab ang kaguluhan sa isinagawang kilos protesta laban sa police violence at isinusulong na security law sa Paris France.
Batay sa ulat, pinagbababato ng ilang mga demonstrador ang mga anti-riot police, pinagbabasag ang salamin ng ilang mga tindahan at pinagsusunog ang ilang sasakyan at barikada.
Pinasok din ng ilang mga raliyista ang isang bangko at kumuha ng tumpok ng mga papel upang sunugin.
Dahil dito, gumanti ang pulsiya at hinagisan ng tear gas ang mga nagkikilos protesta habang ilan din ang inaresto.
Ito ang na ang ikalawang linggo ng kaguluhan sa paris dahil sa mga ikinakasang kilos protesta para kondenahin ang pang-aabuso umano ng kanilang pulisya gayundin sa isinusulong na security law ni France President Emmanuel Macron.
Ayon sa ilang mga tumututol sa naturang panukala, malilimitahan ang civil liberties ng mga tiga-France oras na maipatupad ito.