Naging marahas ang pagdiriwang ng Labor Day sa ilang panig ng mundo.
Tinatayang 17,000 raliyista ang nagmartsa sa Paris, France na sinalubong naman ng mga tear gas at baton ng mga pulis dahilan upang magkagulo at magkasakitan ang dalawang panig.
Nauwi rin sa sakitan ang protesta sa Istanbul, Turkey dahil umano sa hindi awtorisadong rally matapos ang serye ng pag-atake ng mga terorista at Kurdish Separatist Groups sa Turkey.
Nasa 100,000 manggagawa naman ang lumahok sa May Day parade sa Red Square sa Moscow, Russia gayundin sa Havana, Cuba.
Iginiit ng mga manggagawa sa buong mundo ang dagdag sahod, mas maayos na working conditions at job security lalo’t nakararanas ng high unemployment rate at economic crisis ang ilang bansa partikular ang mga lugar na mayroong digmaan.
By Drew Nacino
Photo Credit: Philippe Desmazes/AFP/Getty Images