Sisikapin ng Armed Forces of the Philippines o AFP na ibalik ang kaayusan sa Marawi City sa lalong madaling panahon.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, target ng militar na tapusin ang bakbakan sa Marawi sa loob ng animnapung (60) araw.
Kasalukuyan aniyang confined na lamang sa Marawi ang bakbakan at iniiwasan na lamang na may iba pang grupo ang makapasok sa siyudad para tumulong sa Maute.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni AFP Chief of Staff Eduardo Año
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na sapat ang armas ng tropa ng pamahalaan para labanan ang mga naghahasik ng kaguluhan ngayon sa Mindanao.
Pero ayon sa Pangulo, plano niyang dagdagan pa ang mga ito at kasalukuyan na siyang nanungutang ng armas sa Russia.
Samantala, inihayag din ng Punong Ehekutibo na nakahanda ang mga ospital ng pamahalaan para magamot ang mga masusugatang sundalo sa bakbakan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte