Ibinabala ni Communist Party of the Philippines o CPP Founder Jose Maria Sison ang posibleng paglawak ng kaguluhan sa Mindanao dahil sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na Bangsamoro Organic Law o BOL.
Ayon kay Sison, gagamitin lamang ni Pangulong Duterte ang BOL upang pagwatak-watakin ang mga muslim at pamunuan ang bangsamoro sa pamamagitan ng paghikayat sa iba’t ibang moro forces na mag-away.
Tinanggihan na rin anya noon ng ilang sultan at government officials, mula sa mga mayor hanggang sa governor sa Sulu, Lanao at Maguindanao provinces dahil wala itong magandang dulot sa Mindanao.
Samantala, itinanggi naman ng Malakanyang ang mga paratang ni Sison laban sa BOL at kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang katuturan ang mga babala ng communist leader dahil hindi naman nito batid ang tunay na nangyayari sa Pilipinas habang naka-exile sa ibang bansa.
—-