Tuluyan nang sumiklab ang karahasan sa Poland-Belarus border sa gitna ng lumalalang migrant crisis sa Eastern Europe.
Ito’y makaraang magkasakitan na ang mga migrante at mga polish border guards.
Ayon sa Polish Interior Ministry, pinagbabato ng mga migrante, na karamiha’y taga-Middle East, ang mga pulis habang sinira na rin nila ang mga barb wire sa border.
Tinaya na sa 5,000 migrante ang nasa Kuznica crossing na nasa boundary ng Belarus simula pa noong unang linggo ng Nobyembre. —sa panulat ni Drew Nacino