Posibleng pansamantalang isara ang EDSA kapag patuloy na dumami pa ang mga sasakyang dumadaan dito araw araw.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH Undersecretary Karen Jimeno, higit na sa kapasidad ng EDSA ang bilang ng mga sasakyang dumadaan dito kaya unti-unti nang lumalabas ang mga damage nito.
Batay sa datos, nasa 6,000 sasakyan kada oras sa isang direksyon lamang ang ‘maximum capacity’ ng EDSA ngunit tinatayang aabot na sa halos 7,500 ang dumadaan dito kada oras.
Babala ng DPWH, kailangan nang isaayos ang EDSA sa lalong madaling panahon dahil nasa limang taon na lamang na “manageable” ang problema nito.
Anila matagal nang nakasalang ang road reblocking project o pagkukumpuni sa 23.8 kilometer na daan ngunit hindi pa ito nauumpisahan.
Nakikipag-ugnayan na ang DPWH sa DOTr o Department of Transportation at MMDA o Metropolitan Manila Development Authority para makahanap ng alternatibong ruta, magkaroon ng tamang traffic management, at makapagbigay ng alternatibong transportasyon sa milyong commuters sa EDSA sakaling isara ito.
By Arianne Palma