Idineklara na ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ‘no parking zone’ ang buong Rizal Avenue.
Ginawa ni Manila Mayor Joseph Estrada ang deklarasyon matapos ang clearing operation kung saan natuklasang ito ang isa mga dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lugar.
Inaresto naman ng Manila Traffic and Parking Bureau ang isang lalaki matapos mahuling nangongolekta ng parking fee sa mga motoristang pumaparada sa tapat ng San Lazaro Hospital.
Dahil sa illegal parking, hinatak din ang 30 traysikek, 5 motorsiklo, 15 light vehicle at 2 “kuliglig”.
By Jelbert Perdez