Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng Halalang Pambarangay para sa nakatakdang National Elections sa bansa.
Matapos makaboto sa Barangay Lacub, Batac City, Ilocos Norte, sinabi ng Pangulo na napakahalaga para sa kanilang mga politiko ang resulta ng Barangay Election.
Aniya, masyado ng personal ang halalan kaya’t nagkakainitan ng husto ang mga kandidato
Giit pa ni PBBM na hindi maituturing na maliit na bagay ang barangay election at hindi dapat balewalain dahil magri reflect ito sa mga national elections, halimbawa na lamang aniya sa paparating na mid term election sa may 2025.
Samantala, paliwanag pa ni Pangulong Marcos na ang mga barangay ang malalapitan para sa kailangang boto ng mga National Candidates kalaunan.