Alam niyo ba na maaaring madoble o matriple ang chance of survival ng isang tao kapag ito ay na-CPR matapos ma-cardiac arrest?
Ang C.P.R. o cardiopulmonary resuscitation ay isang lifesaving technique kung saan pinananatili nito ang proper flow ng blood at oxygen sa katawan matapos tumigil sa pagtibok ang puso at paghinga ang isang tao.
Ang pagsi-C.P.R. sa isang tao ay nakadepende sa edad nito.
Para sa infants o sanggol, thumb o daliri ang gamit habang isang kamay naman para sa mga bata at dalawang kamay naman sa mga adults.
Mayroon din dalawang uri ng CPR, ang hands-only CPR at traditional CPR with breaths.
Sa hands-only CPR, inilalagay ang kamay sa dibdib ng pasyente at itinutulak ito ng mabilis para hindi maantala ang pag-flow ng dugo sa katawan. Ito ay tinatawag na chest compression.
Habang ang traditional CPR with breaths ay may alternate chest compression at mouth-to-mouth breaths. Sa pamamaraang ito, binibigyan ang katawan ng mas maraming oxygen habang nasa critical condition bago dumating ang tulong.
Samantala, ang mga taong walang CPR training ay inaabisuhang gumamit ng hands-only CPR. —mula sa panulat ni Hannah Oledan