Taon-taon naghahanap ng mga karapat-dapat na mag-aaral ang SM Foundation Incorporated para sa kanilang scholarship program.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni SM Foundation for Education Senior Assistant Vice President Ms. Eleanor “Lingling” Lansang na nag-uumpisa tuwing Enero hanggang Marso ang kanilang scholarship online application na makikita sa website ng SM Foundation.
Aniya, pinakauna sa requirement na kanilang tinitingnan ang grades ng mga grade 12 students na dapat ay nasa 92 pataas at annual family income na 150,000 pababa.
Dagdag pa ni Lansang, sa ngayon ay mayroong 1,300 na scholar ang SM Foundation.
As of now po including itong darating na batch ng graduates ay mayroon na po tayong malapit-lapit na sa po sa 4,000 na college grad. Currently po mayroon tayong 1,300 na ongoing na mga scholars, 1st year to 5th year ito.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni SM Foundation for Education Executive Director Ms. Carmen Linda Atayde na malaki ang naitutulong ng edukasyon sa bawat Pilipino.
Ang SM Scholarship program ay nasa 29 years na, sa loob ng almost tatlong dekada ‘yung graduates noon ay nakahanap na trabaho, napaaral ang mga kapatid nila. And then kung titingnan natin ‘yung datos nakawala na sila sa cycle of poverty. Sila mismo nagtatayo na rin ng sarili nilang pamilya at education talaga ang kanilang ini-aim.
Ang pahayag nina SM Foundation for Education Senior Assistant Vice President Ms. Eleanor Lansang at Executive Director Ms. Carmen Linda Atayde sa panayam ng DWIZ