Nagiging major disaster lamang ang lindol dahil sa mahihinang klase o hindi matitibay na gusali o istruktura.
Binigyang diin ito ni Senate Committee on Climate Change Chair Loren Legarda matapos igiit ang kahalagahan nang pag inspeksyon sa private at public infrastructure habang ipinatatayo pa ito.
Sinabi ni Legarda na importanteng masiguro ang pagiging matibay at ligtas ng isang istruktura kahit pa mangailangan ito ng dagdag gastos.
Mahalaga aniyang masuri ang structural integrity ng mga gusali at mga imprastruktura kabilang na ang mga tulay, kalsada, paliparan at train station para ma determina ang mga kinakailangang isailalim sa retrofitting.
Bilang Chairman ng Committee on Finance naglagay na si Legarda ng probisyon sa National Budget na magpapalakas sa kahandaan at katatagan ng bansa mula sa mga kalamidad tulad ng lindol.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Kahalagahan ng inspeksyon sa mga private at public infra iginiit ni Sen. Legarda was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882