Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng kasaysayan, at kanyang hinimok ang publiko na magbasa.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag kasabay ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, at tugon niya ito sa liham ng isang ‘Erica’ na nagsabing ang mga tao ay may distorted o baluktot na ideya sa pulitika.
Ayon kay Pangulong Marcos, napakahalaga ng interes ni ‘erica’ sa kasaysayan dahil maraming matututunan ang lahat dito.
Dagdag pa ng presidente, kailangan ng mamamayan na magbasa ng iba’t ibang materyal habang kinikilala ang paglaganap ng pekeng balita. – sa panunulat ni Charles Laureta, mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13).