Mahalagang makilala at matanggap ang ilang hamon na posibleng magdulot ng anxiety o labis na pagiisip sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang mahigpit na paalala ng mental health expert na si Dra. Nina Castillo-Carandang na nagsabi pang malaking bagay ang kaalaman ng isang tao sa sitwasyon at kondisyon ng kaniyang mental health upang manatiling malusog at mabuti ang lagay.
Kailangan aniyang matanggap na mayruong pinagdadaanan sa buhay ngayon tulad ng mga problema subalit “it’s okay not to be okay”.
Sinabi pa ni Carandang na ang isang taong may pinagdadaanan ay maaaring mag bahagi ng kaniyang mga iniisip o nararamdaman sa mga piling pinagkakatiwalaang kapamilya o kaibigan.
Inihayag pa ni Carandang na maaari pa rin namang maging konektado ang bawat isa kahit magkaka distansya sa pamamagitan ng pagte text, social media maging ang telebisyon, radyo at iba pang serbisyo.