Inihayag ng isang pediatrician ang kahalagan ng pagbabakuna sa mga sanggol.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Pediatrician Dr. Bettina Santos na kabilang sa mga bakunang ito ay para maiwasan ang Hepa B, Polio, Pulmonya, Measles at iba pa na libreng makukuha sa mga local health center.
Ayon pa kay Dr. Santos, importante ang pagpapabakuna dahil sa mga life threatening na sakit.
Samantala, nagbigay ng paalala ang isang ina at vaccine advocate na si Ms. Marissa Santos sa mga magulang dahil sa naging sitwasyon ng kaniyang anak matapos na hindi mabakunahan noong ito ay sanggol pa.