Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagkakaisa sa harap ng pagtahak sa landas patungo sa isang United Filipino Nation.
Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ng Davao City-Samal Island Connector Bridge Project, sinabi ni PBBM na darating din ang araw na magiging united ang bansa na siya mamang itinatagugod ng kanyang administrasyon.
Ayon sa pangulo, kahit gaano pa ang lakas ng bawat isa o kakayahan ay mawawalang kabuluhan lamang ito kung mananatili ang pagkakawatak-watak.
Sa pamamagitan aniya ng pagkakaisa ay lalakas at uunlad ang bansa hanggang sa makamit ang tunay na United Philippines.
Magugunitang noong tumatakbo pa lamang sa pagka-pangulo si Marcos Jr. ay ikinakampanya nito ang pagkakaisa at sa katunayan ay nakilala ang grupo ng BBM bilang UniTeam. – sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)