Nagpaalala si Caloocan Bishop Pablo David sa publiko hinggil sa importansya o kahalagahan ng mabuting ugnayan ng bawat miyembro ng pamilyang Pilipino.
Ayon kay David, magmula pa noong panahon ni Abraham, ipinabatid na nito ang kahalagahan ng pamilya.
Paliwanag ni David, sa kasalukuyang panahon, batid pa rin naman na may pagpapahalaga ang bawat Pilipino sa kani-kanilang kapamilya o kaanak.
Ito’y kahit ang ilan ay piniling makipagsapalaran sa iba’t-ibang mga bansa para magtrabaho gaya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ani David, bagamat nasa malayong lugar ang mga OFWs, napapanatila aniya ng mga ito ang patuloy na maganda at matatag na ugnayan sa kani-kanilang pamilya.
Sa huli, binigyang diin ni Calookan Bishop David na gaya ng mga OFWs, panatilihing buhay sa ating mga puso ang kahalagahan, at pagmamahal sa pamilya at kapwa gaya ng tunay na diwa ng Pasko —ang pagmamahalan.