Muling binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng Philippine delegation, kabilang ang mga miyembro ng gabinete at mga mambabatas para maayos na maipahatid ang mga interes ng Pilipinas sa World Economic Forum.
Sa kanyang pagdalo sa WEF sa Davos, Switzerland, binanggit din ni PBBM ang pananaw niya sa itinutulak na Maharlika sovereign fund na ibinida rin ng presidente sa forum.
Paliwanag pa ni Pangulong Marcos, nasa proseso na ang Kongreso para i-disenyo ang wealth fund na naaayon sa mga pangangailangan ng bansa.