Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa kahalagahan ng product standards ng construction materials.
Kasunod na rin ito ng 2 malalakas na lindol na naranasan sa Mindanao nitong nakalipas na araw ng Martes at kahapon na sumira sa maraming imrpastruktura.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez mahalagang sumailalim sa masusing pagsusuri ang nasabing produkto.
Tinukoy ni Lopez ang dapat na pagsailalim sa pre at post shipment mandatory testing ng imported construction materials.