Iginiit ng DOTr o Department of Transportation na kailangan muling mag-aral at pumasa sa mga pagsusulit ang mga tsuper bago makapasada.
Kasunod na rin ito nang paglulunsad ng PUV o Public Utility Vehicle Driver’s Academy kung saan sasailalim ang mga drayber ng pampublikong sasakyan sa mga pagsasanay.
Kasama sa mga pag-aaralan ang ukol sa anger management, road courtesy, terms and conditions of CPCs o certificates of public convenience at traffic rules and regulations.
Ayon kay LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chief Martin Delgra, kapag nakumpleto ang kurso na walang bayad sa loob ng ilang linggo, kailangang maipasa ng mga drayber ang exam upang makakuha ng panibagong ID na dapat ipaskil sa loob ng kanilang sasakyan.
By Gilbert Perdez