Sa ginanap na oathtaking ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng serbisyo-publiko at ang layunin ng partido na ilapit ang suporta ng pamahalaan sa taumbayan.
Ginawa niyang halimbawa ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob lamang ng halos dalawang taon.
Para kay Pangulong Marcos, ang pagkakaisa at pagkakaroon ng bukas at nakakaengganyong diskarte ang mga dahilan kung bakit maraming nagawa at nasimulan ang pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Aniya, nagtutulungan ang administrasyon at ang mga ka-partner nito upang makalikha ng mga magagandang resulta para sa publiko.
Para kay Pangulong Marcos, maliwanag na nakikita ng taumbayan na maganda ang ginagawa nilang sabay-sabay na pagtulong.
Panawagan niya sa mga bagong miyembro ng kanilang partido, gawing tuloy-tuloy ang paglilingkod, hindi lamang sa panahon ng halalan.