Nanawagan si Pangulong Benigno Aquino III sa mga Pilipino na huwag iwaglit sa isipan ang tunay na kahalagahan ng salitang kalayaan.
Sa kanyang kahuli-hulihang pagdalo sa tradisyunal na Vin d’ Honneur sa Palasyo ng Malacañang, muling sinariwa ng Pangulo ang kanilang naging buhay sa ilalim ng batas military.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Aquino
Ilang araw bago ilipat ng Pangulo ang kapangyarihan kay incoming President Rodrigo Duterte, umapela ito sa mga miyembro ng diplomatic corps at sa mga mambabatas na ituloy ang laban para sa ganap na demokrasya.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Aquino
Ipinagmalaki din ni Pangulong Aquino na taas noo siyang aalis sa kanyang puwesto bilang pangulo ng republika.
Sinabi ng Pangulo na natupad na nito ang kanyang panata sa tinatawag niyang mga boss, ang sambayanang Pilipino.
Binigyang diin pa ng Pangulo ang mga ginawang pagbabago ng kanyang administrasyon mula sa repormang pang-ekonomiya hanggang sa mga naihatid na serbisyo sa taumbayan sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Aquino
By Jaymark Dagala