Sapat ang kahandaan ng gobyerno para tugunan ang problema sa dengue.
Tiniyak ito ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa gitna nang pagtaas ng kaso ng dengue sa iba’t ibang lugar.
Magugunitang nagdeklara na ng state of calamity ang Cavite at Bulacan dahil sa dengue outbreak.
Ayon kay Coloma, mahigpit na naka-monitor ang Department of Health kasama ang Local Government Units (LGU’s) sa sitwasyon ng dengue.
Kailangan lamang aniyang obserbahan ang mga patakaran hinggil sa kalinisan ng lugar para walang pagpugaran ang mga lamok na nagdadala ng dengue.
By Judith Larino