Bilang pag-iingat sa mabagsik na COVID-19 delta variant iminungkahi ng Department of Health ang mas pinahigpit na border control at ang kahandaan ng mga ospital sa bansa.
Batay sa isinagawang pulong-balitaan ng Pangulong Duterte nitong Sabado ng gabi inirekomenda ng DOH na tutukan ng mga lokal na pamahalaan ang mga pumapasok sa kanilang nasasakupan at pagpapatupad ng localized lockdown.
Ayon kay Dr.Anna Ong Lim ng DOH technical advisory group, sa kabila ng kumpirmasyon ng lokal na hawaan ng naturang variant mahalaga pa ring mabantayan ang mga border control hindi lamang bilang pag-iingat sa delta kundi sa iba pang COVID-19 variants.
Dagdag nito,dapat ding mas palakasin pa ang health care system sa bansa anumang ibabang quarantine status sa isang lugar.
Samantala, sa pinakahuling tala ng DOH ngayong araw ng linggo nakapagtala ng karagdagang 55 delta COVID-19 variant sa bansa