Tiniyak ng Malacañang ang kahandaan ng pamahalaan sa mga paparating na bagyo sa Pilipinas ngayong Hulyo.
Batay kasi sa pahayag ng PAGASA, nasa dalawa hanggang apat ang inaasahang bagyo na papasok sa bansa ngayong buwan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumilos na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para mapaghanda rin ang mga local government units.
Ito aniya ay para din sa mangyayaring adjustment dahil sa pagpasok ng mga bagyo ay nariyan pa rin ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasabay nito, siniguro ni Roque na may pondo pa ang pamahalaan na magagamit sakaling kailanganin sa dahil sa pananalasa ng mga bagyo.