Pinaiimbestigahan ni Senadora Leila de Lima sa Senado ang kahandaan ng pamahalaan sa pagtama ng pinangangambahang The Big One.
Ito’y ang sinasabing malakas na lindol na sumusukat sa magnitude 7.2 sakaling gumalaw na ng tuluyan ang West Valley Fault.
Sa inihaing resolusyon ni De Lima sa Senado, hiniling nito na alamin kung handa ang gubyerno sa pagtama ng kalamidad.
Kailangan aniyang magkaroon ng makatotohanang assessment at pagpapalakas sa kapasidad ng mga ahensya ng gubyerno gayundin ng mga lokal na pamahalaan sa pagresponde sa sakuna.
By: Jaymark Dagala