Dapat na maingat at masusi munang pag aralan ng gobierno ang alok o kahandaan ni business tycoon Ramon Ang na ibenta sa gobyerno ang Petron.
Ito ang payo ni Senator Koko Pimentel sakaling maging intresado ang gobyerno sa alok ni Ang.
Ayon kay Pimentel dapat na tingnan at ikunsidera ng pamahalaan ang sinabo ni Ang na lugi ng P18 bilyun ang Petron noong nakalipas na taon.
Giit ni Senator Pimentel dapat mag isip muna ng malalim ang gobyerno at huwag itong magdumali sa alok ni Ramong Ang.
Bagamat dapat anyang pasalamatan si Ang sa katapatan nito ukol sa lugi ng Petron.
Diskumpiyado naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magiging intresado ang gobyerno na bilhin ang Petron.
Ito ay dahil sa ang laki anya ang kinikita o nakokolektang buwis ng gobyerno sa mga kumpanya ng langis.
Una rito sinabi ni Ang na kung sa tingin ng gobyerno ay profitable business ang Petron, handa nya itong ibenta ng hulugan sa loob ng limang taon. —sa ulat ni Cely Ortega Bueno (Patrol 19)