Kukuwestiyunin ni Sen. Bato Dela Rosa si Senate President Francis “Chiz” Escudero sakaling pumayag itong makakuha ng official transcript ng pagdinig tungkol sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court.
Giit ng senador, hindi kinikilala ng Pilipinas ang hurisdiksyon ng ICC, kaya’t hindi dapat itong pahintulutan na makakuha ng kopya ng transcript.
Una nang sinabi ni Senate President Escudero na hindi magdadalawang-isip ang senado na ibigay ang transcript ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee sa ICC o sinumang magre-request nito, basta’t may dahilan.