Kinakailangang matiyak ang pagkakaroon ng maayos na bentilasyon at air filtration systems sa mga sinehan.
Ito ang iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na dapat matiyak, bago muling buksan o payagan ang operasyon ng mga sinehan sa Marso.
Ayon kay Duque, kabilang ito sa tinatalakay nilang guidelines kasama ang Department of Labor and Employment at Trade and Industry para sa muling pagbubukas ng mga sinehan.
Bukod dito, hindi rin dapat pahintulutan ang pagkain o pag-inom ng mga manonood habang nasa loob ng sinehan para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na komunsulta na sa mga eksperto ang DOLE para matiyak ang kahandaan ng mga sinehan sa pagbabalik operasyon ng mga ito.