Muling tiniyak ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kahandaan sa pagdasa ng mga pasahero ngayong Semana Santa.
Ayon kay MIAA Manager Ed Monreal, kanila nang inaasahan na mas maraming pasahero ang dadagsa sa paliparan ngayong Semana Santa kung ikumpara noong nakaraang taon.
Aniya, natapos na kasi ang isinagawang runway overlay sa NAIA at nag-ooperate na ito nang 22 oras kada araw.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Monreal ang mga pasahero na dumating ng paliparaan tatlong oras bago ang kanilang scheduled flights para maiwasang maantal.
“There would be some little bit of konting pagbagal ng konti lalo sa pagpasok sa ating paliparan. Maeexperience natin yan sa umaga, sa ngayon naeexperience na natin yan lalo na sa terminal 3. So ako po ay nanawagan sa ating mga kababayan na papunta sa domestic destinations na medyo agahan ng konti ang pagdating lalo na sa umaga.” Pahayag ni GM Monreal.