Mariing inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na tiyakin ang kahandaan sa pinsalang maaring idulot ng Super Typhoon Henry at sa dating bagyong Gardo na sumanib na kay Henry bilang LPA.
Batay sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, iniutos nito ang pagtitiyak na mayroong sapat na bilang ng technical at support personnel, standby generators na may extra fuel, at iba pang gamit sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Iniutos din ni Cordoba na madaliin ang repair at restoration ng telecommunication services kung mayroong maaapektuhan ng bagyo.
Kasabay nito ay inatasan din ang mga network company na magtalaga ng Libreng Tawag at Libreng Charging Stations sa mga maaapektuhang lugar.