Tinawag na panlilinlang ni dating Human Rights Commission Chairperson Etta Rosales ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na handang isoli ng mga Marcos ang ilang bahagi ng sinasabi nilang ill-gotten wealth noong panahon ng Marcos administration.
Ayon kay Rosales, pinatunayan lamang ng Pangulong Duterte ang kanyang pagiging oligarch na tulad aniya ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pinuna ni Rosales ang anya’y tila nakagawian na ng Pangulo na lumihis sa itinatadha ng batas kung saan walang nananagot sa isang kasalanan.
“From the beginning of his administration, walang pananagutan, walang kapurasahan sa mga selected na ginugusto niya, yung methodology niya na gagawin, magtatayo ako ng isang grupo, at yang grupong yan ang magpapasya, at sinong magpapasya kung sinong mga tao ang igu-grupo niya, hindi naman niya ako pipiliin kahit anong gawin ko di ba?, ang pipiliin niya ay ang mga tao niya.” Ani Rosales
Kinuwestyon ni Rosales kung ano ang mangyayari sa lima hanggang sampung bilyong dolyar na tagong yaman ng mga Marcos.
Sa harap ito aniya ng tila itinutulak ng administrasyon na pagbuwag na sa PCGG o Presidential Commission on Good Government.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Ginang Etta Rosales
By Len Aguirre / Ratsada Balita Interview