Hindi nababahala ang Malacañang sa sandaling walang kahinatnan ang mga kasong isinampa laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ito’y ilang buwan bago tuluyang matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, hindi naman ipinangako ng Pangulo na matatapos ang lahat ng malalaking kaso laban kay Ginang Arroyo sa loob ng administrasyong Aquino.
Binigyang diin pa ni Valte na malinaw ang pahayag ng Pangulo noon na hangad niya ring magkaroon ng resolusyon ang mga kaso tulad ng Maguindanao massacre.
Batid ng Palasyo ang dami ng mga sangkot sa kaso at matatagalan ang paglilitis dito.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)